in

Mala-mansyon na rest house niya sa Batangas, ipinasilip ni Piolo Pascual

Ipinasilip ng aktor na si Piolo Pascual ang kanyang mala-mansyon na rest house sa Batangas.

Ito ang ibinahagi ni Dra. Vicki Belo sa kanyang vlog kamakailan.

Namangha ang mag-asawang Dra.Vicki Belo at Hayden Kho nang bumisita sila sa rest house ni Piolo.

Bumyahe sila ng halos dalawang oras mula sa Manila para marating ang lokasyon ng bahay ni Piolo.

Nakahanap ng kanlungan sa isang dating dive resort sa Batangas si Pascual kung saan ginugugol nito ang kaniyang oras sa pagkakarpintero at pagiging hardinero sa kaniyang tinutuluyang bahay.

Noong inanunsyo ang tungkol sa l0ckdown isang taon na ang nakalipas, sinabi ni Piolo na ginugol niya ang halos buong taon simula nang l0ckdown sa Batangas.

At pinagtuunan ng pansin na gawing bago niyang tirahan ang dating dive resort.

“It’s so quiet. It’s so serene,” pagbabahagi ni Piolo.

Mismong ang aktor ang isa sa mga tumutulong na magmano-mano bumuo ng bahay niya na itinatayo malapit sa dagat. Dagdag pa nito, nasa 18 building ang giniba nila upang maisagawa ang nais na itsura ng kaniyang tirahan.

“It’s a respite. It’s whenever I would think of going away, away from the lights, the busyness, the urban living. Here, it’s all nature, you see the beach, you see the mountains. I hike around. It’s all nature,” saad nito.

Ipinasilip din ni Piolo ang pinakapaborito niyang parte sa kanyang mansion hill top house.

Ito ay walang iba kundi ang kaniyang open-deck kung saan madalas siyang tumambay at magmuni-muni.

Kapansin-pansin naman ang pagiging maaliwalas ng lugar dahil napapaligiran ito ng mga puno at iba pang halaman. Malapit din kasi ito sa dalampasigan kaya naman napakaganda ng simoy ng hangin dito.

Bago matapos ang vlog ay nag boodle fight pa sina Piolo, Dra Belo at Hayden Kho.

Kilalanin si Nene Limosniro, ang isa sa biggest blessing ng aktor na si Sam Milby

Zeinab Harake hindi kailangan ang sustento ni Skusta Clee para sa anak nilang si Bia