in

Makitid na 2-Story house viral ngayon sa social media dahil sa kakaibang disenyo nito

Sino nga bang mag-aakala na ang makitid na dalawang palapag na bahay ay sakto lamang para sa isang pamilya?

Madalas naririnig ang kasabihan na ‘Don’t judge a book by its cover’. Dahil kahit maaaring hindi maganda ang disenyo ng panlabas na anyo. Hindi dito nasusukat kung gaano kaganda ang mayroon sa loob nito.

Yan ang napatunayan ng isang 2-storey house na ito. Maaaring sa unang tingin ay plain at boring lamang ang disenyo ng bahay, nasurpresa naman ang marami dahil sa ganda ng disenyo at mga interiors na mayroon sa loob nito.

Ang viral na bahay ay gawa lamang sa isang makitid na espasyo. Kung saan tinatayang nasa 4 na metro lamang ang lawak nito at mayroon pa itong bakod sa magkabilang gilid.

Napaksimple lamang sa labas, ang harap ng bahay ay pininturahan lamang ng greyish blur color na mayroon halong puting kulay.

Makitid man ang pagkaka-design sa nasabing bahay, nakakamangha naman ang interiors nito.

Pagpasok pa lamang ay makikita na ang aliwalas sa living room. Sa loob naman ng bahay, nakakamangha ang ginawa ng mga architects dahil kahit maliit ang space ng bahay nagawa pa rin nilang mapaganda ang mga disenyo at interior nito. Mayroong isang makipot na wooden stairs na papunta naman sa second floor ng bahay.

Ang mga kwarto naman ay iniligay ng mga architects sa dulo ng bahay. Makikita dito ang mga glass walls sa harap at isang malaking banyo sa likod nito.

May mga built-in cabinets din na nagsilbing divider na mas lalong nagpaganda sa disenyo ng kabuuan ng kabahayan.

Cristy Fermin isiniwalat ang sinabi diumano ni Vice Ganda ng biglang sumikat ang AlDub at napataob ang ratings ng It’s Showtime

Kasal nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nagaganap na daw ngayong araw