in

Makatapos ang mahabang panahon, Aljur Abrenica nakasamang muli ang mga anak

Sa gitna ng hiwalayan isyu, ibinahagi ni Aljur Abrenica ang pagkikita nilang muli ng kanyang mga anak.

Ilang araw na ngang usap-usapan ang naging panayam ni Robin Padilla kay Ogie Diaz.

Kung saan kinumpirama ng aktor na hiwalay na nga ang anak niyang si Kylie Padilla sa asawang si Aljur.

Bumalik si Kylie sa tahanan ng kanyang pamilya sa Fairview, Quezon City nang maghiwalay sila ni Aljur.

Pero may komunikasyon pa rin ang dalawa dahil sa napagkasunduan nilang “co-parenting setup” para sa kanilang mga anak na sina Alas at Axl.

Sa ngayon ay sa bahay ng mga magulang niya sa Batangas tumutuloy si Aljur.

Ilang linggo din niyang hindi nakasama ang kanyang mga anak at miss na niya na ang mga ito.

Kaya naman sa kanyang Facebook Live noong Huwebes, July 8, makikita ang pagkasabik ni Aljur sa kanyang mga supling.

“Hi guys! Nandito ako sa Batangas. Kakauwi ko lang. Nagkasalisi kami ng mga anak ko. Nandito na raw sila,” saad ni Aljur sa kanyang live.

“Matagal ko na silang hindi nakikita. Excited na akong makita sila. Bumili ako ng food for them. Sana magustuhan nila,” dagdag pa niya.

Pagkalipas ng mga dalawang minuto ay bumaba ng sasakyan si Aljur, na sinalubong ni Alas at niyakap.

Halatang sabik na rin ito na makapiling ang ama makatapos ang ilang linggong hindi pagkikita.

Makikita at mararamdamang masaya ang mag-aama sa kabila ng isyung kinakaharap ng kanilang pamilya.

Inulan naman agad ng samu’t-saring komento ang video ni Aljur.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Mga Bata talaga ang apektado kapag naghiwalay ang mga magulang”

“How i wish that you en wife reunited for the sake of ur kids”

“Save your family. Kylie doesnt deserve anything like this. It’s never too late. Win her back and leave the home wrecker.”

Pambahay-look ng aktres na si Anne Curtis kinagigiliwan ngayon ng maraming netizens

Throwback photo ni Kathryn Bernardo viral ngayon sa social media, napagkamalang si Marian Rivera