in

Makatapos ang 20 years na pagsasama, Ina Raymundo inaming hindi na malambing ang kanyang asawa

Aminado ang aktres na si Ina Raymundo na tila nawala na ang lambing sa pagsasama nilang mag-asawa.

Taong 2003 nang ikasal si Ina sa isang Ukrainian-Canadian businessman na si Brian Poturnak.

Nabiyayaan sila ng limang mga anak, sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve.

24-years-old pa lamang noon si Ina nang makilala niya ang kanyang “Prince Charming.”

Makalipas ang halos dalawang dekada nilang pagsasama ay punong-puno pa rin ng pagmamahal ang kanilang pagsasama.

Ngunit sa ginanap na virtual media conferrence ng  “Me and Mrs. Cruz” kung saan kasam ni Ina sina Kristof Garcia, Nicki Morena at Paulo Angeles may inamin si Ina.

Dito ay inilahad niya na sa dalawampung taon na pagsasama nila ng kanyang asawa ay tila nawala na ang lambing nito.

“I can’t remember [any] kasi ‘tong asawa ko he’s been with me for 20 years and my husband is not very romantic…and aminado naman siya na hindi siya romantic na tao,” Pahayag ni Ina.

“Siguro noong nagde-date palang kami noong bago palang kami, talagang he swept me off my feet ganun. Hindi ko na maisip in particular pero he really spoiled me all that.” Dagdag pa niya.

Sinabi ni Ina kahit dalawang dekada na ang nakakalipas ay nanatiling mabuting asawa si Brian sa kanya.

Ngunit ang pagiging romantiko nito bilang isang asawa ay tila naglaho na.

 

“And 20 years later, he’s still a very good husband but ‘yung pagiging romantic talaga it’s so sad nawawala na after so many years kaya kailangan talaga extra effort from the guy. Not from women it should be the guy,” paliwanag pa ni Ina.

Gayunpaman, ay naiintindihan daw ito ng aktres dahil hands-on naman daw ang kanyang asawa sa kanilang mga nak.

Sikat na vlogger na si Bretman Rock ipinasilip ang kanyang napakagandang mansyon sa Hawaii

Video ni Robin Padilla na nag-swab test sa sarili inulan ng samu’t-saring komento