in

Makahulugang IG stories ni Kiko Estrada matapos ang hiwalayan nila ni Heaven usap-usapan ngayon

Tila isang cryptic post ang ibinahagi ng aktor na si Kiko Estrada sa kanyang Instagram Stories.

Matatandaan na ilang Linggo na ang nakakalipas ay biglang nag-unfollow si Kiko sa kanyang nobya na si Heaven Peralejo.

Binura na din ng aktor ang mga litrato nila ni Heaven sa kanyang IG account. Wala naman ibang detalye na ibinahagi si Kiko ukol dito.

Ilang araw din ang lumipas, si Heaven naman ang nag-unfollow kay Kiko. Ito ang napansin ng kanilang mga fans noong  Linggo, September 19, 2021.

Bukod sa pag-unfollow kay Kiko, wala na rin sa Instagram feed ni Heaven ang mga posts nito kasama ang aktor.

Kaya naman umugong ang balita na tila hiwalay na daw ang dalawang Kapamilya stars. Samantalang nito lamang nakaraang buwan nila isinapubliko ang kanilang relasyon.

August 30, nang ibahagi noon ni Kiko na ipinagdiriwang nila ni Heaven ang kanilang 3rd monthsary bilang magkasintahan.

Nakapagpalitan pa nga ang dalawa ng sweet messages sa post ni Kiko tungkol sa kanilang third monthsary.

Hinuha ng ilan ay nagselos umano si Kiko sa bagong ka-love team ni Heaven na si Gino Roque.

Sa vlog naman ni Ogie Diaz, kinumpirma nito na may reliable source daw siya na nagsabing hiwalay na nga ang dalawa. Si Ogie ay ang dating manager ni Heaven.

Ngunit magpasa-hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ng dalawa sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Samantala, sa gitna ng kanilang hiwalayan issue, isang makabuluhang IG story naman ang ibinahagi ni Kiko. Ito ay larawan ng isang ahas na kulay dilaw.

Maraming netizens naman ang nagsabi na ang ahas na iyon ay si Heaven. Dapat nga daw na inilagay ni Kiko sa kanyang caption ay “me and my beautiful girl”

Tingin mo ano kayang ibig sabihin ng post na ito ni Kiko?

Ellen Adarna hindi pinalagpas ang isang basher na nilait ang kanyang fiancé na si Derek Ramsay

Ebidensya sa pagkakaroon diumano ng relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica inilabas ni Xian Gaza