in

Maine Mendoza ipinagtanggol si Arjo Atayde, sinabing hindi kinukunsinte ang kamaliang nagawa ng nobyo

Mariing itinanggi ni Maine Mendoza na tino-tolerate niya ang paglabag diumano ng boyfriend na si Arjo Atayde.

Sa kinasasangkutan nitong kontrobersya kaugnay ng umano’y paglabag ng kanilang grupo sa health protocols habang nagsu-shooting sa Baguio City.

Nangyari umano ang walang paalam na pag-alis ni Arjo habang nagsu-shoot ng pelikulang prodyus niya sa Baguio City.

August 17 nang makaramdam ang aktor ng high fe’ver, pananakit ng ulo at hirap sa paghinga kaya napagdesisyunang umuwi na lang para maipagamot sa Maynila.

Ito’y sa kabila ng ‘di pa naire-release na resulta ng kanyang swabtest.

Kagabi, August 18, isang netizen ang nagpaabot ng mensahe sa girlfriend ni Arjo si Maine Mendoza sa pamamagitan ng Twitter

Ayaw raw maniwala ng netizen na ito-“tolerate” ng TV host-actress ang mali at kakampihan nito ang nobyo.

Buong komento ng netizen: “@mainedcm ayaw kong maniwala na kaya mong itolerate ang mali, na mas pabor sayo ang ginawa ni atayde kesa sa safety ng maraming tao. Hindi isang Maine Mendoza yun.”

Sinagot naman ito ng girlfriend ni Arjo ng, “Hello! I am not ‘tolerating’ him but there’s just so much you do not know about the story.”

Pahayag pa ng dalaga, umaasa siya na sana’y mabigyan din ng chance si Arjo na makapagpaliwanag at maibahagi ang tunay na nangyari sa kanilang shooting sa Baguio.

Nanawagan din siya sa mga netizens na huwag sana nilang ibase ang kanilang judgment. Sa pamamagitan ng mga nababasa lamang nila sa social media.

Katwiran ng TV host, “Because you might just be seeing an angle of the real scenario.”

Nagpositibo sa C0V1D si Arjo at siyam pang kasama nito na nag-shooting sa Baguio City noong August 16.

Ayon naman kay Mayor Benjamin Magalong, iimbestigahan umano nila ang posibleng paglabag sa protocol at hindi pagsunod ng crew ni Arjo sa mga alituntunin ng kanilang “taping bubble”.

Lolit Solis may pahayag tungkol sa 40yrs. age gap rumored relationship nina Albert Martinez at Faith Da Silva

Paolo Contis at LJ Reyes hiwalay na nga ba? Mga litrato ng aktres burado na sa Instagram ni Paolo!