in

Mahal Tesorero, dinalaw daw ang kanyang kapatid na si Jason Tesorero matapos na may dumapong paru-paro dito

Mahal Tesorero, muli daw dumalaw sa kanyang kapatid na si Jason Tesorero.

Matapos mamaalam ng aktres na si Mahal Tesorero sa kanyang pamilya noong katapusan ng Agosto, siguradong hinahanap hanap pa din siya ng kanyang pamilya.

Kaya ganoon na lamang ang tuwa ng kanyang kapatid na si Jason matapos na may dumapong paru-paro sa kanya.

Naniniwala kasi si Jason na ang kanyang yumaong kapatid ito.

Bilang Pilipino, maraming pamahiin at paniniwala ang ating pinaniniwalaan hanggang sa ngayon. Isa na dito na ang paru-paro daw ay sumisimbolo sa mga yumaong mahal natin sa buhay.

Sa video na ibinahagi ni Jason sa kanyang YouTube channel, may isang paru-paro na nakadapo sa kanyang balikat.

“Ayan si Mahal oh, dumapo sa akin oh,” pagbabahagi ni Jason habang tinututok ang camera sa kanyang balikat.

Binisita nila Jason ang puntod ni Mahal at nag alay ng napakaraming bulaklak para sa former actress.

Pinalibutan nila ng bulaklak ang puntod ni Mahal na may kombinasyong kulay ng pink at white.

Pabiro din sinabi ni Jason na siya lang daw ang dinapuan ng paru-paro kahit na madami daw silang magkakasama doon.

Mahigit isang buwan na simula nang namayapa ang dating on screen partner ni Mura pero madami pa din sa kanyang taga suporta ang nalulungkot sa kanyang pagkawala.

Reyna ng mga sawsawera na si RR Enriquez pinuri kung paano i-handle ni Kylie Padilla ang isyu nina Aljur at AJ

Xander Ford nabengga na naman ng mga bashers pagtapos nitong isama ang sarili sa K-Pop group na Enhypen!