in

Magkasintahang Gerald Anderson at Julia Barretto sweet na sweet pa din habang nagpapabakuna

Sabay na nagpabakuna ang magkasintahang sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Patuloy sa pagbibigay kilig ang controversial couple na si Julia at Gerald.

Naka-post sa Instagram ng Jurald official fanpage ang video ng pagpapaturok ng dalawa.

Sa video ay makikitang si Julia ang nakasalang para turukan.

Agad na kinuha ni Gerald ang kamay ni Julia at hinawakan nya ito ng mahigpit, tsaka naman itinurok ng medical frontliner ang bakuna kay Julia, habang nangyayari ito ay magkatitigan pa ang magkasintahan.

Nnag matapos naman ang pagturok kay Julia ay pinagpag ni Gerald ang kanyang kanamy na tila nangalay dahil sa higpit ng hawak ng nobya.

Ang caption @juralds.officialfanpage sa mga larawan at video, “1st dose! #Vaccinated Good Job BabyLove.

#Bettertogether #geraldanderson #juliabarretto #betweenmaybes

“Magkahawak na. Kelangan mag tinginan pa tlaga?? Hay nko. haha..#geraldanderson #juliabarretto #betweenmaybes

“Hawak kamay. Tinginan.haplos, #SanaAll #geraldanderson #juliabarretto #betweenmaybes.”

“Baby Julia pahiram din si Gerald ah para may hahawakan din ako. Haha! Pde ba? @juliabarretto may pila mga cyst ah!” #geraldanderson #juliabarretto #betweenmaybes

Tunay ngang kinakiligan ng kanilang fans ang sweet gesture na ito ni Gerald para kay Julia.

Sa iba’t-ibang larawan pa ay makikitang nagpaturok si Gerald ng bakuna habang naka tingin sa kaniya si Julia at bini-videohan.

Sa mga tagged photos din ng magkasintahan napag-alaman na sa Marikina sila nagpabakuna.

Hindi ito ang unang beses na pinakilig nina Julia at Gerald ang masugid na fans nila mula ng aminin nila sa publiko ang kanilang relasyon.

“Para sa mga pangit lang iyan” Ellen Adarna hindi chinecheck ang phone ni Derek Ramsay

Former PBB Housemate na si Lie Reposposa, ginulat ang marami sa kanyang glow-up transformation