in

Magkasintahang Edu Manzano at Cherry Pie Picache gustong magkaroon ng sariling anak

Love is on the air talaga para sa magkasintahang veteran stars na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Napag-uusapan pa umano nina Edu at Cherry Pie na magkaroon ng sariling anak. Ito ay kung mabibigyan pa sila ng pagkakataon.

Sa latest vlog ni Cherry Pie kung saan ay guest niya si Edu, sinagot ng magkarelasyon ang tanong sa kanila at isa na nga rito ay kung gusto pa nilang magka-baby. “Who wouldn’t want babies?,” sey ni Edu.

“Talaga?,” natutuwang tanong naman ni Cherry Pie. “Oo naman,” sagot ni Edu.

Sinang-ayunan naman siya ni Cherry Pie sa kanyang sagot at sinabing kahit siya ay gusto pa rin niyang magkaanak lalo na at nag-iisa lang ang kanyang anak na si Nio.

“Lalo na ako! I only have one [child]. I mean ‘di ba, it would be nice? Siguro ang ganda ng anak natin nun!” sabi naman ng aktres.

For Edu, gusto n’yang baby girl ang maging anak nila ni Cherry Pie kung sakali dahil dream daw n’yang maisayaw ito on her 18th birthday party. Hindi daw kasi n’ya ito nagawa sa daughter n’yang si Addie.

Kuwento pa niya, pinaghandaan niya ang moment na ‘yun ngunit hindi naman ito natuloy.

“Si Addie, hindi, naghanda ako. Nagpa-dancing lessons pa ako tapos biglang sinabi, ‘Daddy, yung gagastusin na lang sa party, pupunta na lang kami ng mga kaibigan ko sa Boracay.’ Pinaghandaan ko pa naman ito. Pinag-ipunan ko ito. Pero ang importante naman yung kaligayahan niya. Hindi yung akin. Yun ang pinaka-importante,” dagdag pa niya.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video:

JM de Guzman pitong taon ng single, sa comment section ng kanyang IG naghahanap ng pwedeng jowain!

Cristy Fermin kontra sa sinabi ni Barbie Imperial na naghiwalay sila ni Diego ng maayos “Iniwan siya ni Diego hindi kagandahan kanilang paghihiwalay”