in

Magkapatid na sina AJ Raval at Vanessa Raval nagka-sagutan sa social media!

Tila nagkakagiriian ngayon sa social media ang dalawang anak ni Jeric Raval na si AJ Raval at Vanessa Raval.

Naging usapin kamakailan sa social media si Vanessa Raval. Ito ay nang ibunyag niya na may sikat na rapper daw na nangungulit sa kanya.

Base sa paglalarawan niya sa rapper na kanyang tinutukoy, si Skusta Clee ang agad na naging hinala ng marami.

Pero umalma ang OPM rapper ukol dito at hinamon pa si Vanessa na pangalanan umano kung sino nga ba ang nasa blind item nito.

Matapos ng hamo na iyon ni Skusta, itinanggi ni Vanessa na si Skusta Clee ang sinasabi niyang nangungulit sa kanya sa chat.

At dahil dito marami na ng naghinala na tila gumagawa lang ng kwento si Vanessa. Para umano magpasikat lamang o pag-usapan siya sa social media.

Hanggang sa nadamay na nga si AJ sa isyu, kaya nagbigay na din ng pahayag ang aktres ukol dito. Ibinahagi niya ito sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

Ani AJ, “I am speaking on behalf of my family whose name is being dragged regarding the circulating issue involving Vanessa,” saad ni AJ. “Please stop dragging my name in this issue that I have nothing to do with. Especially my father na umaako ng pressure dahil sa name na dala ni Vanessa.”

Sinabi din ni AJ na hindi sila close ni Vanessa dahil hindi sila magkasamang lumaki. Hiniling pa nito huwag nang idamay ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya dahil labas sila sa isyu ni Vanessa.

Matapos naman nito ay inamin na ni Vanessa na scripted lang talaga ang naturang isyu. Ginawa niya lang daw ito para matabunan ang buntis isyu ng kapatid.

Pero hindi daw niya inasahan na sa ginawa niyang iyon ay tila itinakwil pa siya ng kanyang ate.

Celebrity couple na sina Maine Mendoza at Arjo Atayde engaged na!

Vanessa Raval hindi daw anak ni Jeric Raval ayon kay Ogie Diaz