in

Mag-asawang sina Makisig Morales at Nicole Joson ibinida ang pambansang kasuotan ng Pilipinas

Child wonder no more!

Taong 2019 ng ikasal si Makisig Morales na unang nakilala bilang si Super Inggo sa ABS-CBN Network.

Siya ngayon at ang kanyang buong pamilya ay naninirahan na sa Sydney, Australia.

Ikinasal si Makisig sa kasintahan na Filipino-Australian beauty queen na si Nicole Joson na ginanap sa La Perouse ang sikat na tourist spot sa Sydney, Australia.

Nakilala ng dating child actor ang kasintahan noong sila ay lumipat sa Australia.

Kung saan nanalo si Joson ng Miss Earth Australia Charity 2017 at naging finalist ng Miss World Australia 2017.

Noong nakaraang Setyembre 2017 ay inalok na ni Makisig ang kasintahan ng kasal.

Makalipas nga ang ilang taon, bumida ang mag-asawa sa isang photoshoot na suot ang pambansang kasuotan ng Pilipinas.

Si Makisig ay talaga naman napakakisig habang suot ang Barong Tagalog.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

Dimo aakalain na ang minahal na batang si Super Inggo noon ay bubuo na din ngayon ng sarili niyang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

Sa kaniyang IG post ay ibinahagi nga ni Makisig na napasabak umano siya sa pagmomodelo.

At isa daw ito sa mga experience na hinding hindi niya malilimutan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

Samantala, ang kaniyang misis naman na si Nicole ay litaw na litaw ang kagandahan habang suot-suot ang Baro’t Saya.

Kaya naman hindi din napigilan ni Makisig na mabighaning muli sa kaniyang asawa.

Isang appreciation post din ang kaniyang ibinahagi kalakip ang larawan ng napakagandang si Nicole.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Makisig Morales (@makisig228)

Billy Crawford proud na ibinida ang sakripisyo ng asawang si Coleen Garcia at ang pagiging hands-on mommy nito

Kris Aquino inamin na si Willie Revillame ang gusto ng mga anak niya para sa kanya