in

Mag-asawang Ellen Adarna at Derek Ramsay sa susunod na taon pa balak ng magkaroon ng anak

Ngayong taon na nagpa-planong magka-anak ang newlywed couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Ito ang naging rebelasyon ng Kapuso actor sa Q&A portion niya sa kanyang mga fans. Sa Instagram Stories niya noong January 2.

Sa tanong kung nais nilang magkaroon ng maraming anak tugon mg aktor. “Yes. Probably next year. I want a boy, Ellen wants a girl.”

Ayon kay Derek na next year na nila balak ni Ellen na magkaroon ng sariling anak dahil gusto muna nilang i-enjoy ang kanilang unang taon bilang mag-asawa.

Kasunod nito, bumaling siya sa anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz at tinanong ng, “Do you want a brother or a sister?” Na sinagot ng sexy actress ng, “Girl. Sister!”

Tulad ni Ellen, meron na ring anak si Derek sa una niyang asawa (Mary Christine Jolly) si Austin na binata na ngayon.

Aniya, “Gusto naming ma-experience ni Elias ‘yung ma-eexperience namin kasi, pinag-isipan namin ni Ellen ‘to e — kung nand’on kami tapos ‘yung makikita namin i-wi-wish namin na siyempre makita ni Elias ‘yon.

“’Yung Safari, once mo lang gagawin yun, eh. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya.”

Si Austin naman ay hindi makakasama sa kanila dahil balik na umano ito sa pag-aaral.

Pagbabahagi pa nga ni Derek, looking forward na raw siya sa honeymoon nila ni Ellen. Na nakatakda na nga ngayong 2022 at talagang balak nilang isama si Elias sa kanilang vacation trip abroad.

Ayon pa sa aktor at lubos ang kasiyahan niya. At ngayon lang niya naramdaman ang ganoong feelings sa buong buhay niya.

Gwyneth Chua hindi pala invited sa pinuntahang party sa Poblacion ayon kay Carlos Laurel

Ogie Diaz nanghingi ng paumanhin kay Marvin Agustin dahil sa naging komento niya sa tinitinda nitong Cochinillo