in

Madam Inutz nagbigay reaksyon sa mga siraan ng mga Fandom ng bawat housemates sa PBB

Matapos na makalabas sa loob ng Bahay ni Kuya, agad nagbigay pahayag si Madam Inutz. Sa bawat fandom ng mga housemates.

Hindi nga nakapasok sa top 2 ng PBB Kumunity season 10 si Madam Inutz. Kasabay niyang lumabas ng PBB House sina Brenda Mage at Samantha Bernardo.

Ang hinirang na top 2 at sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

At sa paglabas nga sa outside world ni Madam Inutz ay nakita na niya sa social media. Ang mga naging isyu ng mga fandom ng bawat housemates.

Kanya kanya kasi silang siraan sa mga kalaban ng kanilang idolo. Kaya naman agad na nagbigay ng kanyang pahayag si Madam Inutz ukol dito.

Sa kanyang tweet kamakailan, tila dismayado si Madam sa kanyang mga nababasa. Na naging dahilan kaya nagkalayo layo ang loob ng bawat housemates.

Ani Madam Inutz, ‘UMAYOS KAYO AT PAGMUMURAHIN KO KAYO ISA-ISA’

“Nagugulat kaming mga housemates na ang ganda-ganda ng pagsasama namin sa loob ng Bahai ni Kuya, tapos paglabas dito sa outside world ang gulo-gulo at puro kasiraan ng kanya-kanyang fandom sa social media. Umayos kayo at pagmumurahin ko kayo isa-isa nang matuto kayo!”

Madami namang sumang ayon sa pahayag na ito ni Madam. May mga nagsabi din na fandom lang talaga ang gusto na magkagulo ang mga housemates.

Ngunit may iba din na nagsabing nakita kasi nila ang tunay na kulay ng bawat isa habang nasa loob pa ng Bahay ni Kuya.

Sugar Mercado nagsalita na tungkol sa balitang may relasyon diumano sila ni Willie Revillame

Isang Sakristan at labas pasok sa DSWD ang bagong suspek ngayon sa kaso ng Maguad Siblings!