in

Madam Inutz nag-eempake na para sa pagpasok sa PBB, mga staff naloka sa gamit na dadalhin niya

Kumpirmado ng isa si Madam Inutz Daisy Lopez na isa sa official housemate para sa PBB Celebrity Edition.

Masaya itong ibinahagi ni Madam Inutz sa kanyang social media post.

Aniya, “MGA INUTIL‼️ MAGBABAKSYON LANG MUNA AKO‼️ DAHIL PASOK TAYO SA OFFICIAL HOUSEMATE SA PINOY BIG BROTHER KUMUNITY SEASON 10 (CELEBRITY EDITION)”

Kasabay halos nito ang pag-anunsyo ng mismong Pinoy Big Brother na isa nga si Madam Inutz sa mga celebrity housemates sa bago at pinakaaabangang season ng PBB.

Samantala, nawindang naman ang mga staff ng PBB habang nageempake na ng kanyang gamit si Madam Inutz.

Seryoso kasing tinanong ni Madam Inutz ang PBB staff kung pwedeng magdala ng d*ldo sa loob ng bahay ni Kuya.

“Dapat maraming dala… Pwdeng magdala ng d*ldo do’n? Kasi anjan ang d*ldo ko… Reality show ‘yon, pagka reality, kelangan totoo,” saad ni Madam Inutz.

Mensahe naman ni Madam, “Mga inutz, ngayon niyo ako suportahan. Alam ko mahal na mahal nyo si madam ninyo.

“Kailangang kailangan ko ‘yung suporta n’yo dahil kung sakaling manalo ako napakaling tulong nito sa anak ko as single mom. Ilalaban ko ‘to para sa family. Sanay tayo sa hirap kaya kakayanin ko to,” aniya pa.

Nagsimulang sumikat si Madam Inutz dahil sa nakakaaliw at nakakalokang style niya sa live online selling. Kamakailan lamang ay inilunsad na rin ang kanyang singing career sa pamamagitan ng debut single niyang “Inutil.”

Si Madam Inutz ang ikatlong celebrity housemate na inanunsyo na papasok sa pinakasikat na bahay sa buong bansa para sa Pinoy Big Brother season 10.

Anne Curtis nalalapit na ang pagbabalik sa pag-arte, open pa din sa daring roles kahit may asawa’t anak na

AJ Raval dedma sa mga bashers, ibinahagi ang style ng panliligaw sa kanya ni Aljur Abrenica