in

Madam Inutz hindi napigilang maging emosyonal sa sorpresang bahay at lupa ng manager niyang si Wilbert Tolentino

Bumuhos ang luha sa sobrang tuwa si Madam Inutz sa sorpresang hatid sa kanya ni Wilbert Tolentino.

Sa latest vlog ng negosyante at vlogger na si Wilbert, ibinahagi niya ang kanyang motivational gift. Para sa kanyang alaga na si Madam Inutz.

Sa nasabing video, inilahad ni Wilbert na pangarap ni Madam Inutz na mabigyan ng sariling bahay at lupa ang kanyang nanay.

Sa lahat ng sakripisyong nagawa ni Madam Inutz para sa kanyang buong pamilya. Napagdesisyunan ni Wilbert na bigyan niya ito ng motivation.

Para mas lalo itong ganahan magtrabaho at mas magpursige na maabot nito ang kanyang mga pinapangarap.

Isang 88 square metres na house and lot ang iniregalo ni Wilbert kay Madam Inutz. At habang nasa loob ng Pinoy Big Brother house si Madam Inutz ay ipaparenovate nila ito.

Saad ni Wilbert, “Punong-puno ng surprise ang gusto kong maramdaman ni Madam Inutz kasi itong batang ‘to sobrang grateful at sobrang thankful na tao.”

Nang makarating sila sa subdivision itinuro ni Wilbert kung nasaan ang bahay at lupa na binili ni niya para sa kanyang alaga.

Nang makita naman ito ni Madam Inutz ay agad itong humagulgol sa iyak.

Hindi maipaliwanag ng sikat na online seller turned vlogger and celebrity ang kasiyahan kanyang nadarama sa oras na iyon.

Wala siyang ibang namutawi kundi pasasalamat para sa kanyang manager.

Aniya hindi talaga siya nagkamali ng desisyon na ipagkatiwala niya kay Wilbert ang magiging career niya ng pasukin niya ang industriya ng showbiz.

Kaya naman isang mahigpit na yakap ang tugon naman sa kanya ni Wilbert.

Umani naman ng papuri ang kabaitang ito ni Wilbert. Marami ang humanga sa pagiging mapagbigay niya sa kanyang mga alaga.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang vlog:

Dating aktres na si Donita Rose, isa na ngayong chef ng supermarket chain sa Amerika

Aljur Abrenica binasag na ang katahimikan tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla