in

Lyca Gairanod proud na ipinasilip ang simpleng bahay na naipatayo niya para sa kanyang pamilya

Masayang ibinahagi ni Lyca Gairanod ang naipatayo niyang bahay para sa kanyang pamilya na malapit sa dati nilang tirahan.

Matapos manalo sa The Voice Kid PH, natulungan ni Lyca ang kanyang pamilya. Lalong lalo na ang magkaroon sila ng maayos na tirahan.

Ayon kay Lyca, malapit lang ang nasabing bahay sa kung saan siya lumaki kasama ang kanyang lola at ibang kamag-anak.

“Pinagawa ko ‘tong bahay na ‘to para may matutuIuyan kami ng mga family namin just incase makita ulit namin ‘yung bahay namin. Nandiyan lang din ‘yung bahay namin. Malapit lang din. Konting lakad lang,” ani Lyca.

Bagama’t simple lang ang bahay na ipinagawa ni Lyca, sinabi ng mang-aawit na plano pa umano niyang ipaayos ito.

“Plain man ang bahay na ito, hindi man kalakahihan, at least nakakapagpahinga tayo ng maayos and okay naman itong bahay na ‘to. Actually, may mga plans pa ako sa bahay na ‘to. Soon malalaman niyo din,” saad niya.

Ikinuwento din ni Lyca na binibisita siya ng kanyang lola sa kanyang ipinagawang bahay tuwing gusto nitong magpahinga.

“Minsan dito si Lola nag-sstay ‘pag gusto niya magpahinga ganu’n. Minsan lang siya napunta dun sa bahay kasi ‘di pa naman tapos ‘yun.

Nakwento rin ni Lyca na walang ba’n’yo ang dating bahay nila kaya dagat ang takbuhan nila kapag tinatawag na ng kaIikasan.

Ayon pa sa dalaga, kung hindi pinaIad na manalo sa The Voice, marahil nangongolekta pa rin umano siya ng ba’s’ura para magkapera hanggang sa ngayon.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang video:

Angeline Quinto sumabak na din sa online live selling umabot ng 4M ang viewers

Pokwang umani ng papuri dahil sa pagiging mabait na amo sa kanyang mga kasambahay