in

Lyca Gairanod ipinasilip ang naipundar sa kanyang pagba-vlog, sa edad na 16, nakabili na ng pinapangarap na sasakyan

Nadagdagan na naman ang naipundar ng young singer na si Lyca Gairanod.

Boses ang puhunan ng batang si Lyca Gairanod kaya unti-unti niyang naabot ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Una siyang nakilala ng publiko nang maging viral sa social media ang video kung saan maririnig ang napaka-ganda niyang tinig. Habang noon ay nangangalakal kasama ang mga kaibigan.

Masasabing mahirap ang kinalakihang buhay ng batang si Lyca at sa murang edad pa lang ay namulat na siya sa realidad ng buhay. Sa katunayan, nagiging katuwang na siya ng mga magulang upang maghanap-buhay para sa pamilya.

Sa edad na 16, malayo na nga ang narating ni Lyca at mayroon pa siyang panibagong achievement ngayon.

Sunod-sunod ang mga proyekto na kaniyang natanggap mula ng siya ay sumikat. At bago nga nagtapos ang taong 2020 ay pumirma siya ng bagong kontrata sa Viva Artists Agency.

Isa na rin siyang sikat na vlogger ngayon.

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi niya ang isang larawan kung saan makikita na siya ay nakatayo habang may bitbit na bulaklak at nasa likod an kaniyang bagong sasakyan.

Simpleng caption niya sa kaniyang post, “Thank God. I GOT NEW BABY.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by L (@lycagairanod.1)

Ani Lyca, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang sasakyan.

“Isa na rin ito sa dream ko na magkaroon ng sariling sasakyan, ‘di ba? Ayun mga ka-charan, i-uupdate ko na lang kayo kung kailan ko na siya makukuha or pwede ko na siya makuha,” ani Lyca.

“Sana more more blessings na matatanggap ko kay God and of course, I’m very thankful kasi may family ako na sobrang positive, sobrang mapagmahal na pamilya,” saad ni Lyca.

Panoorin dito ang kanyang vlog:

Sa gitna ng isyu kay Lolit Solis, Mark Herras may simpleng patutsada, ayaw palakihin ang anak sa mga tsismis

Lolit Solis may pahayag tungkol sa 40yrs. age gap rumored relationship nina Albert Martinez at Faith Da Silva