in

Lyca Gairanod at Karen Davila pinagkatuwaan ng mga netizens, pagkagulat sa isa’t-isa naging meme na!

Trending ngayon sa social media ang reaksyon nina Karen Davila at Lyca Gairanod. Ito ay nang malaman nilang pareho sila ng birthday.

Mainit-init pa ang usapan at tawanan sa social media sa pagiging viral nina si Karen Davila at Lyca Gairanod.

Kamakailan kasi ay naging guest ni Karen Davila si Lyca sa kanyang vlog sa YouTube.

Habang nagkekwetuhan ay nalaman ni Karen na parehas pala ang birth date nila ni Lyca.

November 21 ang sinabi ni Lyca ng tanungin siya ni Karen.

Kitang kita ang tila gulat na gulat na reaksyon ni Karen ng sabihin niyang, “Oh my God! Birthday ko iyon! Birthday mo November 21? Hindi ko alam ‘yun ah, wait hindi ko alam ‘yun. Magka-birthday kami” 

Gulat na gulat din ang reaksyon ni Lyca sa biglaang pagsigaw ni Karen.

Kaya naman pati ang mga netizens na nakapanood ng eksenang iyon ay humagalpak din sa pagtawa.

Pati na din si Karen ay hindi napigilan ang paghalakhak ng balikan niyang muli ang video clip na iyon.

Saad ni Karen sa kanyang Tweet, “Hahaha Good Morning guys hanggang ngayon tawa pa rin ako ng tawa thanks @rodmagaru”

Kalakip nito ay reposted video clip ng nakakatawang eksena.

Nag top trending na nga ito sa Twitter at maging si Vice Ganda ay nagsabing napasaya siya ni Karen Davila.

Si Bianca Gonzales din ay sinabing lagpas sampung beses niyang pinanood ang clip ngunit hindi pa din niya napigilang mapahalakhak.

Vhong Navarro pinabulaanan na nabigyan na niya ng tulong si Mura, nais umanong personal na iabot ito sa dating sidekick niya

Rhian Ramos pina-wow ang mga netizens, litrato niyang kuha sa Paris nagmistulang super model