in

Luis Manzano gustong maging kamukha ng asawa niyang si Jessy Mendiola ang magiging anak nila

Kung papipiliin mas gusto umano ni Luis Manzano na kamukha ni Jessy Mendiola ang magiging baby nila.

Habang laganap ang pandemya, ayaw munang magkaanak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Napakapraktikal na kunsiderasyon ang concern nina Luis at Jessy sa pagbuo ng pamilya. After pandemic na lang umano nila paplanuhin ang pagkakaroon ng baby.

Ngunit syempre ay pinag-uusapan na din nila itong mag-asawa. May napagkasunduan na din silang ipapangalan sa kanilang supling, Emma o Ocean kung babae, at Luke kung lalaki.

Ito ang ibinahagi ng mag-asawa sa latest vlog ni Luis kasama ang kanyang misis at ang mommy niyang si Vilma Santos.

Nagkaroon kasi sila ng bonding moments sa kanilang quick vacation get away sa The Farm at San Benito sa Lipa Batangas.

Sa nasabing video ay may mga biruan silang mag-asawa at may mga seryoso din silang pag-uusap.

At dito nga ay nasambit ni Luis na gusto niya na ang kanyang misis ang magiging baby nila in the near future.

Ani ni Luis, “Sana talaga pag baby girl, well kahit anong anak natin, sana kamukha mo.”

Pabiro pang dagdag nito, “Pag kamukha mo baby natin, for sure, hindi ko papalabasin ng bahay. Pag kamukha ko anak natin, by 3 years old papalayasin ko na ‘yun.”

Sa ngayon ay limang taon na ang relasyon nina Luis at Jessy. Ikinasal sila sa parehong resort noong February 21, ng kasalukuyang taon.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:

Paolo Contis plano umanong dalawin ang anak na si Summer sa New York

Cristy Fermin bumanat na naman, tinawag na Mrs. Martyr si Julia Montes