in

Lovely Abella nag-ala Willie Revillame sa kanyang 36th birthday, namigay ng brand new car!

Ipinamalas ng dating Wowowin dancer na si Lovely Abella ang kanyang inner Willie Revillame style sa kanyang 36th birthday.

Dating host at dancer ng “Wowowin” si Lovely. At kung dati’y sayaw lang siya nang sayaw sa game show ni Willie. Ngayon ay siya naman ang namimigay ng papremyo at tulong.

At hindi lang basta basta papremyo ang ipinamahagi ni Lovely sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan noong December 11. Dahil nagpa-raffle siya at ang papremyo ay isang brand new car.

Naganap ang kanyang party noong December 12 at kasama niya ang kanyang mister na si Benj Manalo. Sa pag-aasikaso at pag-entertain ng kanilang mga bisita.

Nagsilbi na rin itong Christmas party para kanilang mga bussiness partners at mga trabahador. Sa kanilang negosyo na Lovely Cosmetics.

Ang maswerte namang nagwagi ng bagong sasakyan sa kanilang pa-raffle ay ang kapatid ni Benj na si Ai Manalo.

Binati naman ni Lovely ang kanyang hipag sa pamamagitan ng kanyang Instagram post. Ani Lovely “Di ko makakalimutan ang gabing to, nag mala Kuya willie ako kagabi at talagang pag itinadhana, ibibigay talaga ni LORD! Pinagdasal ko na Lord bigay mo ang kotse ko sa deserving na tao. And YES!! Pinakinggan niya ako si @ai.manalo ay kapatid ng asawa ko at kapatid ko na rin”

Ayon pa kay Lovely ay si Ai daw ang isa sa unang hiningian nila ng tulong noong panahon na nagsisimula pa lang sila sa pagtatayo ng kanilang negosyo.

Yen Santos pinaghihinalaang buntis dahil sa latest photo nila ni Paolo Contis na magkasama

Allan K ninanais na makilala ang kanyang anak umano na nakabase sa Bacolod