in

Lovely Abella at Benj Manalo nakabili na ng sariling bahay mula sa kinikita nila sa online selling

Kapag may tiyaga, may nilaga!

‘Yan ang pinatunayan ng newlywed couple na sina Benj Manalo at Lovely Abella.

Hindi pa din makapaniwala sina Benj at Lovely sa biyayang kanilang natanggap.

Tulad ng marami, nawalan din ng trabaho ang mag-asawa dahil sa pandemya.

Ngunit dahil sa sipag at tiyaga nilang pagbebenta online ay nakabili na sila ng pinapangarap nilang bahay.

Ang BenLy’s online shop ay talaga nga naman naging matagumpay kaya unti-unti nilang nakakamit ang kanilang mga pangarap.

Ito ay dahil na rin sa sipag at dedikasyon nilang mapalawak pa ang serbisyo nila sa mga netizens na mas gustong mamili ng mga produkto online.

Dahil din sa diskarte at pagtutulungan bilang mag-asawa ay nagawa nina Lovely na mapalago ang kanilang negosyo at nakatulong pa sa kanilang mga resellers na gusto ring kumita.

Ilan lang sa mga ibinebenta nila ay mga branded na damit, bags, make-up at mga sapatos. Kahit nga may kamahalan ang presyo ay inuulan pa rin sila ng mga orders mula sa mga netizens.

Sa kani-kanilang Facebook post ay nagpasalamat ang mag-asawa sa mga tumatangkilik sa kanila.

Una ng nagpost si Benj, saad nito, “Mga Zuki, andito ako para maging INSPIRASYON ng kapwa ko online seller”

Pinaliwanag niya ang mga negatibong ibinabato sa BenLy’s online shop.

Saad pa ni Benj na lahat ng meron sila ngayon ay pinaghirapan nilang mag-asawa.

Mayroon lamang daw silang tatlo hanggang apat na oras na tulog upang asikasuhin ang kanilang negosyo.

Para kay Lovely at Benj, ibinahagi nila ang kanilang kwento para magsilbing inspirasyon sa kapwa online sellers na kahit mahirap ay huwag silang sumuko at sa halip ay magpatuloy lang sa kanilang pagsusumikap na maabot ang kanilang mga pangarap.

Willie Revillame inamin na ang tunay dahilan kung bakit hindi na matutuloy ang sitcom nila ni John Lloyd Cruz

Ivana Alawi inalala ang kauna-unahan niyang trabaho noon sa Bahrain kasama ang kapatid na si Hashim