in

Look A Like ni Jericho Rosales viral ngayon sa social media!

Usap-usapan ngayon sa social media ang binatang malaki ang pagakahawig sa aktor na si Jericho Rosales.

Sa panahon ngayon, marami ng simpleng tao lang ang bigla na lamang sumisikat sa social media. Ito ay dahil sa mga kakaibang napapansin ng mga netizens sa mga partikular na personalidad.

Kamakailan nga lamang, isang binata ang mabilis na nag-viral online. Kapansin pansin kasi na malaki ang resemblance nila ni Jericho Rosales.

Unang napansin ng netizen na si Hyobz Perez ng Monkayo, Davao de Oro ang naturang binata. Natuwa daw kasi siya dahil halos hawig nito ang mata, ilong, at maging ang buhok ni Echo.

Kaya naman naisipan niyang kuhanan ito ng litrato at ipinost niya ito sa kanyang Facebook account. Agad namang nagviral ang nasabing post ni Hyobz.

Maraming netizens din ang sumang-ayon sa kanya na talaga nga namang kamukha ng binata si Echo. Pagbibiro pa nga ng iba ay ilang paligo nga lang daw ang lamang ng aktor dito.

Samantala, batay sa ulat ng PEP.ph, kinilala ang viral na binata na si Junrey Baug. Siya ay 29 years old, at construction helper ang trabaho.

Pagbabahagi nga ni Junrey sa exclusive interview, hindi na raw siya nagulat na masabihan siyang kamukha siya ni Jericho.

Dahil simula 15 years old pa lamang daw siya ay marami na daw talagang nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya sa magaling na aktor.

Minsan daw ay nakakaramdam siya ng hiya, pero madalas ay masaya siya na naihahambing siya sa isang sikat na celebrity.

Vanessa Raval hindi daw anak ni Jeric Raval ayon kay Ogie Diaz

Batikang aktres na si Cherie Gil namaalam na sa edad na 59