in

Long Mejia binatikos si Ellen Adarna sa pag-walkout nito sa taping ng ‘John En Ellen’

Kinumpirma ni Long Mejia na nag-walk out sa set ng “John En Ellen”, ang aktres na si Ellen Adarna.

Sa huling araw ng lock-in taping nito noong June 25 sa Laiya, Batangas.

Sa kanyang panayam sa PEP.ph, isiniwalat ni Long ang tunay na pangyayari sa biglaang pag alis ni Ellen sa taping.

Taliwas ito sa mga pahayag na binitawan nina Derek Ramsay, John Estrada, at ng manager ni Ellen.

Iginiit ni Long na mali ang ginawa ni Ellen dahil umalis ito sa gitna ng eksena.

Aniya, nagsabi lang ang aktres ng “bye!” sa nadaanan niyang production staff nang umalis ito sa kanilang set.

Ipinunto ni Long na tila laging nagmamadali si Ellen umalis ng kanilang taping mara makita ang fiancée nito na si Derek.

Gayunman, noong nasabing araw ng walk-out ay kasa-kasama naman ni Ellen si Derek, at dahil pareho silang artista ay inasahan niya na mauunawaan ng celebrity couple na kailangan matapos ang eksena bago sila umalis lalo na at bayad na ang aktres.

Ikinumpara pa ni Long si Ellen sa mga batikang artista na nakasama na niya sa industriya.

Kabilang dito ang namaalam na Comedy King na si Mang Dolphy, at multi-awarded actor na si Eddie Garcia.

Pati na din ang first Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz.

Si Ellen Adarna, hindi pa siya sikat, ha?

“Mali yung ginawa niya, umalis siya sa gitna ng eksena.

“Ang salita niya lang sa isang production staff na nadaanan niya, ‘Bye!’ Ano ‘yon?”

Ang diumano’y pag-walkout ni Ellen sa last taping day ng season two ng John En Ellen ang puno’t dulo ng pagsasalita ni Long.

Ipinunto ni Long na responsibilidad daw ni Ellen na tapusin ang eksena nito dahil bahagi ito ng trabaho.

Isang Arabo na pinagsisilbihan ang kanyang mga kasambahay viral ngayon sa social media

Relasyon nina Bea Alonzo at Dominic Roque naging open in public dahil sa bakasyon sa Los Angeles