in

Lolit Solis sa relasyon ni Bea Alonzo at Dominic Roque: “Para bang gusto lang ipakita ni Bea kay Gerald na nakamove on na siya”

Lolit Solis, muling tumirada sa kanyang Instagram.

Mayroon na namang opinyon ang entertainment columnist na si Lolit Solis tungkol sa isang artista. Sa pagkakataon ito, nabunot niyang pag-usapan ang love life ng nananahimik na si Bea Alonzo.

Sa kanyang Instagram, nag upload ng larawan nina Bea Alonzo at nobyo nitong si Dominic Roque si Manay Lolit. Ang kanyang caption, naging malaman at mainit laban sa aktres.

Para sa kanya ay tila palabas lang ni Bea ang kanyang bagong relasyon.

Sa mga naging salita ni Lolit, lumalabas na para daw bang masyadong “showy” ang dalawa sa social media.

“Meron pa nga silang isang photo kung saan nakahiga si Dominic at nasa tabi niya si Bea na naka shorts na kung malisyosa ka iisipin mo na meron silang ginawa bago nag pictorial.”

Pagdidiin niya sa aktres, parang palabas lang daw ito ni Bea para mapakitang naka move on na siya sa kanyang ex-boyfriend na si Gerald Anderson.

“Meron ka ngang parang maiisip na para bang gusto lang ipakita ni Bea Alonzo kay Gerald Anderson na naka move on na siya sa ghosting nito.”

Ngayong taon lamang isinapubliko ni Bea at Dominic ang kanilang relasyon. Siya ang sumunod na nobyo ng aktres matapos ang controversial break up nito kay Gerald.

Kilalanin ang napakagwapong anak ni Dawn Zulueta na si Jacobo

Nadine Lustre nagtayo ng solar panel charging station para sa mga lokal ng Siargao