in

Lolit Solis may pahayag tungkol sa 40yrs. age gap rumored relationship nina Albert Martinez at Faith Da Silva

So what kung mu­ling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.

Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”

Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith.

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.

Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.

Lyca Gairanod ipinasilip ang naipundar sa kanyang pagba-vlog, sa edad na 16, nakabili na ng pinapangarap na sasakyan

Maine Mendoza ipinagtanggol si Arjo Atayde, sinabing hindi kinukunsinte ang kamaliang nagawa ng nobyo