in

Lolit Solis kinampihan si Kylie Padilla, iniimbitahan ang aktres sa kanilang programa

Naniniwala si Lolit Solis na mali ang mga akusasyon ni Aljur Abrenica sa estranged wife nitong si Kylie Padilla.

Hanggang ngayon nga ay hot topic pa din sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Aljur at Kylie.

Marami na din ang nadamay at nakisawsaw. Mga nagbigay ng kani-kanilang pahayag at mga saloobin.

Kamakailan nga ay si Cristy Fermin ang nagsalita ukol dito at nagbato ng akusasyon laban sa Kapuso actress.

Hindi naman ito pinalampas ni Kylie at nagbitaw din siya ng maaanghang na salita laban sa batikang kolumnista.

Samantala, sa kanya namang Instagram post kamakailan, hindi din nagpahuli si Lolit Solis sa isyung ito.

Ayon kay Lolit na sigurado siyang maiintindihan ng kaniyang kaibigang si Cristy Fermin ang nasabi ni Kylie laban sa kaniya at tinitiyak niyang nasambit lamang ni Kylie ito dahil sa galit.

Aniya, “Sure ako na maiintindihan ni Cristy Fermin iyon outburst ng galit ni Kylie Padilla. Iyon parang sagot niya sa mga issue na inilalabas ni Aljur Abrenica.”

“Pinaka masakit na bintang sa isang babae na may asawa iyon sinabi ni Aljur, na nag cheat si Kylie. Kaya siguro di narin napigilan si Kylie na sumagot , pero sure ako na ready din siya na magbigay paliwanag kay Cristy,” pagpapatuloy pa nito.

Sinabi rin nito na maaaring way lamang din ni Kylie ang pagsasabi ng ganun upang magbigay warning kay Aljur na tigilan na ang paglalabas ng kung ano tungkol sa kanilang hiwalayan.

Sa huli ay iniimbitahan ni Lolit si Kylie sa kanilang programa. Upang maibahagi daw ng aktres ang kanyang side sa publiko.

Narito ang kabuuan ng post ni Lolit Solis:

Jeyrick Sigmaton o mas nakilala bilang si ‘Carrot Man’ nanalong best actor sa New York

Jeric Raval aprubado nga ba ang pangliligaw ni Aljur Abrenica sa anak na si AJ Raval? “Hindi naman third party ang anak ko”