in

LJ Reyes kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Paolo Contis, emosyonal sa panayam kay Boy Abunda

Kumpirmado na nga ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Sa inilabas na 21-second teaser ng Boy Abunda’s “The Interviewer,” tinanong ng host si LJ na: “Ang separation niyo ni Paolo, was it mutual?”

Pigil ang luha na sinabi ng aktres na: “It was so difficult, it was so painful.”

Patuloy niya, “Kung hindi lang malakas ’yung pananampalataya ko sa Panginoon, hindi ko alam kung saan ako pupulutin.”

Nang tanungin ang aktres kung sino ang humiwalay, sinabi ni LJ na, “Matagal ko nang nararamdaman na parang nakahiwalay na siya sa amin.”

Hindi malinaw kung ang ibig sabihin ni LJ kung ang tinutukoy niya ay kung tingin niya ay nanlamig sa kanya si Paolo.

Mapapanood bukas, September 1, sa The Interviewer ng YouTube Channel ni Boy ang exclusive interview nito kay LJ.

Nito lamang nakaraang linggo ng maunang kumpirmahin ni Lolit Solis ang hiwalayan ng celeberity couple.

Aniya, naglahong romansa ang pinag-ugatan ng kanilang breakup.

“Walang 3rd party sa hiwalayan Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon,”pagbubunyag niya.

Limang taong ang itinagal ng pagsasama nina Paolo at LJ. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang supling.

Si Summer na dalawang taon na ngayon.

Matatandaan na umugong ang balitang hiwalay na sina LJ at Paolo ng burahin ng aktor ang mga larawan nila ni LJ sa IG nito.

Nag-unfollow na rin si Paolo kay LJ sa social media. Ngunit si LJ magpasa hanggang ngayon ay following pa rin kay Paolo.

Sa ngayon ay tikom pa din ang bibig ng Kapuso actor tungkol sa mga kontrobersiya tungkol sa issue ng hiwalayan.

Narito ang video teaser ng panayam kay LJ:

Controversial couple na sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada nag-celebrate ng kanilang third monthsary

Julia Barretto umani ng papuri ng tulungan ang nobyong si Gerald Anderson na maglinis ng gym nito