in

LJ Reyes ibinahagi ang kanyang intense workout kasama ang anak na si Summer

Mukhang puspusan ang ginagawang workout ng aktres na si LJ Reyes kasama pa ang kanyang bunso na si Summer.

Kasalukuyang nasa Amerika si LJ upang makapaghilom sa natapos na relasyon kay Paolo Contis.

Kasama ng aktres ang anak nila ni Paolo na si Summer at ang anak niya sa dating karelasyong si Paulo Avelino na si Aki.

Kamakailan nga lamang ay spotted na nag-enjoy si LJ sa panonood sa prestihiyosong international semi-annual fashion show.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes)

Nagpaka-fangirl pa siya matapos makitang rumampa ang international model na si Gigi Hadid sa show.

At ilang araw nga lang ang nakalipas, tila balik alindog ang program ngayon ng aktres.

Sa kanyang latest Instagram post ibinahagi ng aktres ang kanyang intense workout kasama ang anak na si Summer.

Makikita ang determinasyon ng aktres upang maibalik ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Mas naaliw nga ang kanyang mga fans dahil kasama pa niya ang kanyang bunso habang nag-eehersisyo. At ginagaya pa nga ni Summer kung ano ang ginagawa ng kanyang mommy LJ.

Saad pa nga ni LJ sa kanyang caption, “Yung antok ka pa pero adik yung kasama mo magworkout! Pero game na game ka naman – Summer”

Dinagdagan pa niya ito ng mga hashtag na “mom and daughter tandem” at #mumljandsummer. Pati na din ang quote na “and we’re back to regular programming.”

Lumipad si LJ papuntang New York noong huling linggo ng Agosto.

Noong panahong yun, unti-unti nang umaalingawngaw sa social media ang diumano’y hindi na mabuting lagay ng pagsasama nina LJ at Paolo.

Arlene Muhlach dinepensahan si Angel Locsin laban sa pahayag ni Mon Cualoping sa aktres

Ayon kay Cristy Fermin, John Lloyd Cruz hindi na tuloy sa GMA, hindi nagkasundo sa TF