in

Litrato nina Nadine Lustre at ng kanyang rumored new boyfriend viral ngayon sa social media

Nadine Lustre namataang kasama ang rumored new boyfriend na foreigner.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas ng isapubliko nina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang hiwalayan.

Ito ay matapos ang ilang taon nilang relasyon on and off cam.

Ngunit kahit naghiwalay na ang dalawa ay nanatili silang magkaibigan at nakikitang lagi pa ding magkasama.

Nanatili din ang suporta ng bawat isa sa kani-kanilang career. Ngayon nga ay under Careless Music Manila si Nadine.

Ang record label na itinayo ni James Reid na humahawak sa music career ni Nadine tulad na lang ng virtual concert ng aktres kamakailan.

Sa gitna ng kanilang hiwalayan ay kinikilig pa din ang JaDine fans sa kanilang mga idolo. Inakala pa nga ng ilan na magkarelasyon pa din ang dalawa.

Ngunit kamakaialan lamang ilang video at larawan ni Nadine ang kumalat sa social media, particular in Twitter.

Kung saan makikitang lagi niyang kasama an foreigner guy na nagngangalang Christopher Bariou. Hinihinalang si Christopher umano ang bagong boyfriend ng aktres.

Ang mga larawan di na ito ay tugma sa post ni Nadine kamakailan sa Instgram na nasa baksyon siya ngayon sa Siargao.

May video din sa Twitter na makikita ang sweetness umano ni Nadine at Christopher.

Base naman sa social media accounts ni Christopher, ito ay founder at managing director ng Maison Bukana.

Isa din si Nadine sa kanyang mga followers.

UNEP awardee na si Louise Mabulo may ibinunyag tungkol sa internationa blogger na si Nas Daily

Matapos ng kanyang mga pahayag, Long Mejia nanghingi ng patawad kay Ellen Adarna