in

Litrato ng lambingang nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada sa Boracay viral ngayon sa social media

Huli pero hindi kulong!

Iyan ang reaksyon ng mga netizens sa kumakalat na litrato nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Kamakailan nga ay namataan ang dalawa na magkasama diumano sa isla ng Boracay.

Unang lumabas ang litrato ng dalawang Kapamilya stars sa Facebook fan page ni Kiko.

Hindi man nakuhanang magkasama, halos pareho ang lahat ng makikita sa dalawang larawan na ipinost ng nasabing page, ang mesa, upuan, background, pati suot ng hotel staff.

Agad na pinutakte ng mga netizens ang nasabing post, may ilan pang binalikan ang mga pahayg noon ni Heaven.

Kung saan mariin niyang itinanggi na siya ang dahilan ng hiwalayan noon nina Kiko at Devon Seron.

Pati na din ang pahayag noon ng ina ni Heaven upang ipagtanggol siya sa mga bashers ay pinagkatuwaan ng mga netizens.

Samantala, ilang araw lang ang lumipas ay lumitaw na ang mga litrato nina Kiko at Heaven.

Na nagpapatunay na magkasama talaga ang dalawa sa Boracay.

Viral nga ngayon sa social media ang mga litratong kitang kita ang kanilang lambingan moments sa napakagandang isla.

May kuha pa na magkahawak kamay ang dalawa habang nasa airport.

Saad tuloy ng marami ay wala ng maitatanggi ngayon ang dalawa dahil kitang kita na ang ebidensya.

Kulang na lamang daw ay ang pag-amin ng dalawa kung in a relationship na ba talaga sila.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Idk why but I’m not convinced that they’re in a relationship. It’s more like going with the flow with publicity.”

“Di ko gets kung anong meron kay Heaven?!? Maputi lang naman sya. Ewan ko ba kung bakit ang dami guys goes crazy for her.”

“My impression of Heaven’s mom is strict & conservative. But seems like ok lang na solo out-of-town with Heaven. How old is she btw?”

Ikaw anong masasabi mo rito?

Maymay Entrata itinanggi na may relasyon diumano sila ni Donny Pangilinan

Bonding ng mag-inang Pauleen Luna at Baby Tali Sotto habang naliligo sa ulan kinagiliwan ng mga netizens