in

Litrato ng birthday celebration ng anak ni John Lloyd Cruz na si Elias Modesto viral ngayon sa social media

Talagang napakabilis ng panahon!

Parang kelan lang ay usap-usapan ang pagbubuntis ni Ellen Adarna kay John Lloyd Cruz.

Hanggang sa manganak ang aktres, at ngayon na may kanya-kanya na silang buhay.

Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa litrato ng mag-amang John Lloyd Cruz at Elias Modesto.

Ito ay nang ibahagi ni John Lloyd na kasama niya ang anak sa pagdiriwang ng Father’s day.

Ibinahagi ni John Lloyd ang black-and-white picture sa Instagram nitong Hunyo 20.

Walang caption ang post ni John Lloyd at binigyan lang niya ng credit ang kumuha ng larawan nilang mag-ama.

Marami naman ang na-touch sa video ng mag-ama kung saan nakatanggap ng matamis na halik at mahigpit na yaka si JLC mula sa kanyang unico hijo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Kitang kita sa video ang pagkasabik ng mag-ama sa isa’t isa.

Maraming netizens naman ang na-touch sa video ng mag-ama. May ilan pa ngang tumulo raw ang luha ng mapanood ang kanilang video.

Nagpasalamat naman ang ilan kay Elias dahil ito daw ang naging instrumento para magbalik showbiz muli si John Lloyd..

Makatapos naman nito, ay ilang larawan muli ng mag-ama ang viral sa social media.

Sa nasabing larawan ay makikitang kasama ni John Lloyd si Elias sa birthday celebration nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JLC_BEA4EVER (@jlc_bea4ever)

Isang spiderman themed ang party na inihanda ng aktor para sa kanyang tatlong taon na ngayon na baby boy.

Maraming netizens naman ang natuwang muli na makitang masayang magkasama ang mag-ama.

Bumuhos din ng pagbati ang comment section ng post mula sa napakaraming taga hanga ng A-list actor na nagbabalik showbiz na.

Jinkee Pacquiao nagbalik tanaw sa buhay probinsya, sumakay ng kalabaw kasama ang dalawang anak na babae

Naalala niyo pa ba ang small but terrible na si Mura? Ito na ang buhay niya ngayon!