in

Liezl Sicangco nagbigay ng kanyang reaksyon sa interview ni Kylie sa amang si Robin Padilla

Hindi napigilan ni Liezl Sicangco na magbigay ng kanyang komento sa naging pag-uusap nina Kylie at Robin Padilla.

Sa latest vlog ng Kapuso actress, nagkaroon ulit ng pagkakataon si Kylie. Na magkaroon ng heart-to-heart talk kasama ang kanyang ama.

Noong una ay si Kylie ang may mga binatong katanungan para sa action star na siya din namang sinagot ni Robin.

Sa kanilang video, sinariwa ng mag-ama ang kanilang relasyon mula sa pagkabata ni Kylie—kasama ang mga kapatid—hanggang sa kasalukuyan.

Kitang kita naman sa kanilang pag-uusap na malalim ang ugnayan ng mag-ama. Base nga sa kanyang title na “The conversation I never had with my Papa.” Kakaibang tanungan ang naganap sa pagitan nina Kylie at Robin.

Maraming netizens nga ang agad nagbigay ng kanilang reaksyon sa video ng mag-ama. At maging ang ina ni Kylie na si Liezl Sicangco ay napa-comment din sa kanilang video.

Naantig din umano si Liezl sa usapang pamilya ng kanyang anak at dating asawa. Napag-usapan din kasi nina Robin at Kylie si Liezl at ang kanilang pamilya.

Sa comment section ng post ni Kylie komento ni Liezl, “OMGee! Natawa ako at naiyak. Good job”

Sumagot si Kylie sa ina: “i love you mother dearrrr” Reply ni Liezl sa anak: “I love you more”

Si Kylie ay isa sa apat na anak ng dating mag-asawang sina Liezl at Robin. Ang tatlo pa ay sina Queenie, Zhen-Zhen, at Ali.

Anak nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano may nakakatuwang ginawa sa kanyang online class

Young actress na si Faith Da Silva maswerte daw kay Albert Martinez ayon kay Lolit Solis