in

Lian Paz pursigidong asikasuhin ang annulment case nila ng dating mister na si Paolo Contis

Kahit matagal ng walang communication sa isa’t-isa, desidido ang dating EB Babes na si Lian Paz. Na ipagpatuloy ang annulment case nila ni Paolo Contis.

Nagkaroon ng dalawang anak na babae sina Paolo at Lian, ito ay sina Xonia at Xalene. Kaya kahit pa matagal na silang hindi nag-uusap ay may kaugnayan pa rin sila sa isa’t-isa.

Dagdag pa dito na on going pa rin hanggang ngayon ang annulment case na dalawa. Hindi pa din napapawalang bisa ng korte ang kanilang civil wedding. Na naganap noong July 20, 2009 sa Cauayan, Isabela.

Unang naghain noon ng petisyo si Paolo para mapawalang bisa na ang kanilang kasal ni Lian. Ngunit null and void ang desisyon doon ng korte.

Ang naging dahilan kasi noon ng aktor ay hindi totoo ang kanilang kasal dahil may taping siya noong araw na ‘yon, kasama ang kanyang mga saksi.

Matapos na hindi paboran ng korte ay si Lian naman ang naghain ng petisyon. Pero ilang taon na ang nakakaraan ay wala pa ring balita ukol dito.

Sa report ng PEP.ph, nakapanayam nila ang dating EB Babes member. Hindi na daw kasi alam ni Lian kung ano na nangyari sa kaso nila kaya nais na niyang magsalita ukol dito.

Ani Lian, “Because he already filed, ako naman ang sumunod na nag-file.

“Hinayaan ko siyang kumilos nung una, but this time, ako na. Pero ang lawyer pa rin niya ang nag-asikaso para hindi raw masayang ang ground works at para mas mabilis daw.

“Pumunta dito [sa Cebu] ang lawyer niya, ininterbyu ako. Nag-file under my name sa Marikina City dahil doon ang residence ko.

“Kaso, walang balita, walang update. As of now, ang sabi po it was filed na but not moving.”

Apat na taon na daw ang nakakaraan kaya nais niya na itong mabigyang linaw.

Girlfriend ni TJ naglabas ng sama ng loob sa Pinoy Big Brother laban sa isyu na kinasasangkutan ng nobyo

Kate Jagdon kinumpirma na ang hiwalayan nila ni Miss U PH 2021 Beatrice Luigi Gomez