Tila masaya ang ilang miyembro ng LGBTQ+ community sa pagkatalo ni Manny Pacquiao. Sa katatapos lamang na laban nito kay Yordenis Ugas.
Matatandaan na nagalit ang maraming miyembro ng LGBTQ+ community sa naging pahayag noon ni Pacquiao. Ito ay dahil sa kontrobersyal na pahayag niya laban sa gay marriage.
Binatikos noon ang Pambansang Kamao dahil sa kanyang pahayag na masahol pa sa hayop ang mga bakla at tomboy.
Ilan sa mga nag-react noon ay ang mga kilalang celebrity na miyembro ng LGBTQ+. Kabilang na dito si Vice Ganda.
Pinasaringan pa niya ang kongresista pa lang noon tungkol sa madalas na hindi niya pagdalo sa sesyon ng Kongreso.
Hinikayat naman ni Aiza Seguerra ang kaniyang followers noon sa Instagram post na kilalanin at pag-isipang mabuti ang kanilang iboboto.
Hindi rin nagustuhan ng tv host-actor na si John Lapus ang naging pahayag ni Pacquiao.
Matapos namang ulanin ng batikos ay nagpost si Manny ng larawan nila ng asawang si Jinkee, at dito ay niliwanag niya ang kaniyang paninindigan sa kaniyang nasabi tungkol sa same s3x marriage.
View this post on Instagram
Samantala, tila magpasa hanggang ngayon ay nakatanim pa din ang galit ng ilang LGBTQ+ member kay Manny.
Sa kani-kanilang social media post ay tila nagpugay pa sina Direk Andoy Ranay, IC Mendoza, at Adrian Lindayag sa pagkatalo ni Pacquiao.
View this post on Instagram
Ito ay ibinahagi nila sa kanilang mga social media post.
‘matic olat talaga pag homophobe 🙂
— Adrian Lindayag (@adrianlindayag) August 22, 2021
Dahil natalo yung unggoy! 🐒 pic.twitter.com/D0NtSnGTAN
— Andoy L. Ranay 🏳️🌈 🇵🇭 (@andoyranay) August 22, 2021
Anong masasabi mo rito?