in

Larawan ni Andrea Brillantes kasama sila Kyle Echarri at Darren Espanto viral sa socmed!

Andrea Brillantes, pinagpipiyestahan sa social media ngayon.

Inulan ng samu’t-saring komento ng mga netizens ang larawan ni Andrea kasama ang dalawang singers na sina Kyle Echarri at Darren Espanto.

Sa nasabing larawan, makikitang nakahiga ang tatlo kung saan na sa gitna si Kyle habang sina Andrea at Darren ay na sa magkabilang gilid na kalahating mukha lang ang kita sa kamera.

Ayon naman sa caption ng ISYUS, kuha daw ito nang makipag bonding si Andrea kasama ang mga kaibigan. Nilinaw lang daw nila na tatlo sila sa larawan dahil may lumabas daw sa Twitter na si Kyle at Andrea lang ang kita.

Hindi lingid sa kaalaman ng fans na magkaibigang dikit si Kyle at Andrea dahil nagkasama sila sa Kadenang Ginto. May mga vlogs din ang dalawa na magkasama pati na din ang kanilang mga ka-love teams.

Sa kabilang banda, kinokonekta ng mga netizens ang pagsasama ng dalawa dahil sa lumabas na isyu noong nakaraan tungkol kay Andrea, Francine at Seth. Matatandaan na nag unfollow sa isa’t-isa ang dalawang young actress.

Maraming naging negatibong komento tungkol kay Andrea dahil dito. Pinagtanggol naman siya ng kanyang mga fans.

Sa ngayon, wala pang reaksyon sina Andrea, Kyle at Darren tungkol dito.

Barbie Imperial inamin na ang dahilan ng kanilang paghihiwalay nila ni Diego Loyzaga!

Cristy Fermin pinagtanggol si Angelica Panganiban sa basher na tumawag sa aktres na “starlet”