in

Kylie Padilla pina-alalahanan ng isang netizen tungkol sa kanyang indoor toxic plant

Nakatanggap ng babala ang Kapuso actress na si KYlie Padilla mula sa isang netizen tungkol sa kanyang halaman.

Kahapon, August 1, ay nagbahagi si Kylie ng litrato ng kanyang dalawang anak sa kanilang living room.

Tila naglalaro ang magkapatid na sina Alas Joaquin at Axl Romeo habang nanonood ng TV.

Bagama’t isang larawan ng mga masayang bata ang makikita, may napansin naman ang isang netizen sa litrato.

At agad nitong binigyan ng babala si Kylie, ito ay ukol sa halaman na nasa loob ng kanilang living area.

“I love your design Sangre pero please be careful that plant is toxic ha lalo sa kids and pets. Maybe can substitute with a fiddle or birds of paradise,” komento ng nasabing netizen.

Naalarma naman agad ang aktres dahil dito at sinabing, “How is it toxic? Sorry I have no idea.”

Ipinaliwanag naman ng netizen kung bakit niya nasabi na toxic ang indoor plant na iyon.

“That plant is Dieffenbachia. “Ingestion can cause irritation, swelling, inflammation, and numbing of the lips, tongue, and airways. These effects can cause difficulties in speaking and breathing,” saad nito.

Dagdag pa niya, “Sana lang wag hawakan or paglaruan ng kids, kasi po ang dagta niyan at napaka kati rin. Please put po sa di maabot ng kids, or better replace with nontoxic plants.”

Agad namang tinugunan ni Kylie ang paalalang ito ng netizen kaya binago na niya ang caption ng litrato.

I have since removed this plant and taken it outside. Unaware ako na toxic pala. Thank you for informing me people on the gram  will make it a point to make sure the plants I purchase are safe before I buy them”

Magsilbing babala din sana ito sa mga plantita moms.

Babaeng iniwan ng kanyang mapapangasawa, itinuloy pa din ang kaniyang bridal photoshoot

Iñigo Pascual binilhan ng farm ang kanyang lolo, ibinahagi kung paano nakamit ang pangarap na ito