in

Kylie Padilla nanawagan para maipasa ang divorce bill sa bansa, matapos ang pahayag ni Aljur Abrenica laban sa kanya

Simple lang ang naging sagot ni Kylie Padilla sa maanghang na pahayag ng estranged husband niyang si Aljur Abrenica.

Kagabi, October 19, ay tila napuno na si ljur sa mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya. Siya kasi ang sinisisi ng marami sa hiwalayan nila ni Kylie.

Mas lalo pa ngang tumindi ang galit ng mga fans nila ni Kylie sa aktor ng isapubliko nila ni AJ Raval ang kanilang pagkakamabutihan.

Pinutakte ng netizens si Aljur ngunit nanatili itong tahimik sa mahabang panahon. Ngunit Martes ng gabi ay nagsalita na ito at ipinahayag ang kanyang saloobin.

Sa kanyang mahabang Facebook post ay hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin na sa publiko ang totoong nangyari.

Pinahiwatig din ni Aljur sa kanyang post na tila si Kylie ang unang nagloko sa kanilang relasyon. Na si Kylie talaga ang dahilan kaya nasira ang kanilang pamilya.

Ayon pa nga sa post ni Aljur ay dapat daw sabihin na ni Kylie kung sino ang karelasyon nito ngayon. Para hindi lamang siya ang masama sa tingin ng publiko.

Ayaw na umano sana ng aktor na magsalita ukol dito dahil sa agreement nila na walang magsasalita in public.

Pero napilitan na lamang siya dahil hindi na niya kinakaya ang mga batikos na kanyang natatanggap.

Samantala, ilang sandali lang ang lumipas ay nagbigay patutsada din si Kylie sa mahabang pahayag na ito ni Aljur.

Sa kanyang Twitter account ay napa-tweet si Kylie ng #passdivorcebill.

Marami naman ang agad sumuporta kay Kylie. Sinabi ng kanyang mga followers na naghahanap lamang ng butas si Aljur.

Para magmukhang si Kylie talaga ang unang nagloko at i-justify ang pangbababae niya.

Aljur Abrenica binasag na ang katahimikan tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Kylie Padilla

Mga netizen humanga sa kagandahan ni Carla Abellana sa kanyang Prenup photo