in

Kylie Padilla nakatanggap ng papuri mula sa mga fans na nagkaroon ng chance na makita siya sa personal

Proud ang mga fans ng Kapuso star na si Kylie Padilla sa kanilang idolo.

Kung titignan, mukhang maarte at suplada ang aktres dahil na din sa kasikatan na meron siya. Pero kung ito din ang iyong tingin kay Kylie, may mga fans na nagpatunay kung ano ang totoong ugali ng aktres sa likod ng camera.

Isa na sa mga nagpatunay kung gaano umano kabait si Kylie sa kanyang fans ang netizen na si Tammy Francisco.

Sa kanyang Tiktok account, nag bahagi ng isang maikling video si Tammy kung saan makikita na nagkaroon siya ng chance na ma-meet sa personal ang kanyang idol.

Nagpa video greeting siya sa Kapuso actress at masaya naman si Kylie na ginawa ito para sa kanyang fan.

Noong una, hindi pa alam ng aktres na siya mismo si Tammy pero nang malaman na ang fan na iyon ang nag request ng video greeting, agad na niyakap ni Kylie ang male fan.

Maririnig sa video na binati siya ng aktres, “Hi Tammy!” sabay kaway sa kamera.

@tammykikoytvShe is genuinely kind. Kylie Padilla 🥰😇🤗

♬ original sound – Tammy Francisco

“Ikaw pala yun, yakapin na din kita,” sambit pa ng aktres.

Bukod kay Tammy, may ilang fans din ang nag bahagi ng kanilang encounter kay Kylie.

“Super bait niyan ni Kylie. Met her twice and sobrang bait and accommodating.”

Janno Gibbs naglabas ng hinanakit sa ABS-CBN dahil sa kanyang cancelled guesting

Soon to be mom-of-two na si Jennylyn Mercado gumamit pa ng Tarot Cards para malaman kung buntis ba talaga siya!