in

Kylie Padilla nais makausap ng personal ang nali-link kay Aljur Abrenica na si AJ Raval

Hayagang sinabi ni Kylie Padilla na gusto niyang kausapin sa personal ang napapabalitang nobya ni Aljur na si AJ Raval.

Sa gitna ng kontroberyal na hiwalayan nina Kylie at Aljur, plano umano ng aktres na kausapin si AJ.

Sa panayam niya sa programang Kapuso Mo Jessica Soho ay hayagang sinabi ito ng Kapuso actress.

Aniya, “I actually wanted to talk to her kasi napagdaanan ko rin yan, yung bina-bash ako dahil nililigawan ako.”

“I wanted to talk to her to help her out on how to handle it para maiwasan lang yung nangyari ngayon. But my help’s not being ask so I will not give it na lang.”

Kaugnay ito sa isyu tungkol sa paghingi ng paumanhin sa kanya ni AJ. Matapos i-reshare ng se’xy actress sa Facebook ang maanghang na mga salita ni Aljur Abrenica laban kay Kylie.

Ayon pa kay Kylie, walang kaso sa kanya ang pagkakamabutihan nina AJ at Aljur dahil nagkasundo naman sila ng aktor maaari na silang makipag-date sa iba nang maghiwalay sila noong Abril.

Pero kung tinira raw siya ni Aljur sa social media para mapagtanggol ang sarili nito, hindi raw kasalanan ni Kylie kung patuloy pa ring napupulaan sina Aljur at AJ.

“I totally understand kung doon sila nanggagaling kasi siyempre, siya yung bagong nililigawan, eh. Naba-bash na sila I’ve been on that side and I know how scary and confusing. And sobrang nakakasira siya ng mental health, di ba?

“But I wish na iningatan na lang nila. They can’t blame me for that too because we had an agreement din that we can both see other people.”

Sa huli saad pa ni Kylie, “I wish you guys are more careful. Don’t blame it on me.”

Nadine Lustre sinagot ang netizen na lumait sa pangangatawan niya ngayon

Paolo Contis hindi na umano nagpaparamdam sa dating partner na si LJ Reyes at sa mga anak nito