in

Kylie Padilla ibinahagi ang set-up nila ngayon ni Aljur Abrenica matapos ang kanilang hiwalayan

Ilang buwan ang lumipas matapos ang hiwalayan, ano na nga ba ang estado nila Kylie Padilla at Aljur Abrenica?

Sa panayam ni Kylie sa 24 Oras noong Lunes, August 9, ibinahagi niya na hindi pa rin sila nagkakabalikan.

Aniya, “For now, for now yung setup namin is magkahiwalay pa rin.”

Matatandaan na nakaraang buwan lamang ay ibinahagi ni Kylie na lumipat na sila ng bahay mag-iina.

Pinaayos pa niya ito para maging child-friendly.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KYLIE (@kylienicolepadilla)

Ibinahagi pa ni Kylie sa nasabing panayam ang kalagayan nila sa kanilang bagong bahay.

“I’m really good actually, sobrang saya ko.

“Kasi talagang yung bagong bahay, inayos ko talaga para at least it feels like a home para sa mga bata.

“Maganda lang yung vibes sa loob nung bahay.”

Sa ngayon ay tila co-parenting ang status o set-up nina Kylie at Aljur para sa kanilang mga anak.

Nagpapasalamat naman si Kylie sa lahat nang nagmamahal at sumusuporta sa bawat desisyon na kanyang ginagawa.

Matatandaan, dahil sa issue nang hiwalayan, maraming pangalan  ang nadawit ngunit tahasan din namang pinabulaan ng mga ito ang kaugnayan sa mag-asawa.

Nakumpirma ang hiwalayan nina Kylie at Aljur nang magsalita ang ama ng aktres na si Robin Padilla sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz na lumabas noong July 7.

Ilan sa mga pangalang nakaladkad sa paghihiwalay nila ay ang katambal ni Aljur sa pelikulang Nerisa na si Cindy Miranda, pati na sina Erin Ocampo at Maika Rivera.

Itinanggi nina Cindy at Maika ang paratang sa kanila, samantalang hindi pa nagbibigay ng pahayag si Erin tungkol sa pagkakadawit ng kanyang pangalan.

Sa panig ni Kylie, nadawit naman ang pangalan ni JM de Guzman.

Andi Eigenmann ipinasilip ang masaya at eco-friendly 2nd birthday celebration ni Baby Lilo

Ina ni Donnalyn Bartolome ibinunyag ang mga nagawa ng anak para kay Nanay Josie