in

Kuya Kim Atienza usap usapan ang komento sa Instagram post ni Anne Curtis nang mag 12 years ang It’s Showtime

Kuya Kim Atienza, nami-miss na nga ba ang kanyang It’s Showtime family?

Nag diwang ng kanilang 12th Year Anniversary ang long time running noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime noong October 24, 2021.

Katulad ng kinagawian, nagpasilaban ang mga hosts ng noontime show bilang parte ng kanilang selebrasyon.

Sa kabilang banda, hindi pa din nakakabalik sa show ang host actress na si Anne Curtis bagama’t matagal na siyang naka balik sa bansa simula nang isilang ang anak na si Dahlia sa Australia.

Hindi naman pinalagpas ng aktres ang 12th anniversary ng kanilang show. Sa kanyang Instagram, nag iwan ng madamdaming mensahe si Anne para sa show.

Parte ng kanyang IG post, “Happy 12th anniversary my showtime family. A lot of things have changed, but I know these things still remain – the love we have for one another, our madlang people and the goal to continue to make them happy.”

Nasasabik na din daw ang aktres sa kanyang pagbabalik hosting sa It’s Showtime.

Sa comment section, agaw pansin naman ang naging komento ni former host na si Kuya Kim.

Aniya, “fun times! we all loved the show and each other as family! [Two red heart emojis]”

Matatandaan na lumipat na ng GMA-7 si Kuya Kim nito lamang nakaraang buwan.

Heart Evangelista sinupalpal ang kanyang basher sa kanyang Instagram na nag komento sa kanyang “kili-kili”

Lolit Solis nag-react sa mga netizens na nagsasabing hindi nila nalaman ang pagbubuntis ni Elisse Joson