in

Kristine Hermosa Binalikan ang Araw na Nag Propose si Oyo Boy Sotto Para sa Kanyang Kaarawan

Kristine Hermosa, binalikan ang araw na nag propose sa kanya ang asawang si Oyo Boy Sotto para sa kangang kaarawan.

Kilig-Friday ang naging tema kahapon ng aktres na si Kristine Hermosa sa kanyang Instagram account.

Kahapon, September 10, 2021 nagdiwang ng kanyang ika-38 na kaarawan si Kristine. Almost 40 na ang mother of five na ito pero fresh pa din ang kanyang beauty.

Bilang selebrasyon kasama ang kanyang pamilya, muli naman niyang binalikan ang araw na magpasyang pakasalan siya ni Oyo.

“12 years ago.. same dat today… noong naglakas loob kang mag-propose at naglakas loob akong umu-oo sayo,” matamis na pagbabalik tanaw ni Kristine.

Nagpasalamat din naman ang aktres para sa kanyang 38 yeas of existence.

Noong September 10, 2009, nag propose si Oyo Boy sa kayang long time misis na ngayon na si Kristine. Kasabay din noon ay ang 26th birthday celebration ng aktres.

Ikinasal sila noong January 11, 2011 sa isang beach wedding na ginanap sa Club Balay Isanel sa Talisay, Batangas.

Sa ngayon, tahimik at masayang nagsasama ang mag-asawa kasama ang kanilang limang anak— Ondrea Bliss, Kristian Daniel, Kaleb Hanns, Marvic Valentin at ang kanilang newborn na si baby Isaac.

Labingdalawang taon nang nagsasama sina Kristine at Oyo at hanggang ngayon, naging tahimik ang kanilang pagiging mag-asawa.

Beth Tamayo, Isinilang na ang Kanyang Panganay na Healthy Baby Girl!

EXTREME GIRLFRIEND CHALLENGE ni Donnalyn at AJ Raval, Kinakikiligan ng mga Netizens Ngayon!