in

Kris Bernal nagmistulang prinsesa sa kanyang wedding gown na gawa ng sikat na designer na si Mak Tumang!

A memorable wedding indeed!

Ikinasal na ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa kanyang long time partner na si Perry Choi.

Ginanap ang kanilang intimate church wedding sa St. Alphonsus Mary de Liguori Parish sa Makati City.

Matapos ang ilang buwan na pag postponed sa kanilang kasal, sa wakas ay natuloy na ang pag-iisang dibdib ni Kris at Perry.

Katulad ng karamihan sa mga bride, pinaghandaan din ng aktres ang kanyang wedding gown. Tila naging center of attraction din ang wedding gown ni Kris na gawa ng sikat na fashion designer na si Mak Tumang.

Si Mak Tumang ay ang brilyanteng tao sa likod ng mga naging gowns ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Naging isang real life bride princess si Kris sa kanyang Swarovski-embellished custom-made wedding gown.

Ang kanyang groom naman ay binagayan ang kanyang suot, beige suit na gawa ni M Baretto. Kasalukuyang naka live stream ang wedding ng dalawa sa YouTube channel ni Kris.

Apat na taon nang magkasintahan ang newly weds. Nag propose naman si Perry noong February 2020 at binalak magpakasal noong June 2021 pero napostpone dahil sa pandemya.

Matatandaan na naging emosyonal pa si Kris sa isang vlog niya kung saan kanyang ibinahagi ang ilang paghahanda sa kanilang kasal. Noong mga panahon na iyon, naka hold ang kanilang wedding day.

Congratulations, Mr. and Mrs. Choi!

 

Rufa Mae Quinto nagpasalamat kay Heart Evangelista para sa pagtulong nito mabenta ang kanyang luxurious item collection

Toni Fowler suportado ang dating partner na si Rob Moya sa nililigawan nito