in

Kris Aquino saludo kay Manny Pacquiao, may madamdaming mensahe para sa Pambansang Kamao

Napahanga si Kris Aquino sa kababaang loob na ipinakita ni Manny Pacquiao.

Kung ang ilan ay naiyak sa mismong pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Yordenis Ugas. Si Kris Aquino naman ay napaluha at napahanga sa post-fight interview ng pambansang kamao.

Sa Instagram post ng TV host, ibinahagi niya na naguumapaw ang kanyang paghanga sa pagiging mapagkumbaba ni Pacquiao.

Isang quote ang in-upload nito na nagsasabing, “Being positive in a negative situation is now naive. It’s leadership.”

Caption ni Kris, “Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo.

“No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.

“Most of all recognizing that the real fight, yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what i am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.

Nagsambit din si Kris ng comforting words para sa asawa ni Manny ni Jinkee.

“My love and prayers are with you mare @jinkeepacquiao. God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.

Pinuri ni Kris ang katapangan ni Manny na naging mapagkumbaba pa rin sa pagharap ng kaniyang pagkatalo. Kung tutuusin, wala na umanong dapat pang patunayan si Manny sa larangan ng boxing, dahil alam naman na ng lahat na isa na siyang legendary icon pagdating dito.

“Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan — mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Chito Miranda diretsahang sinagot ang netizen na kinumpara ang hitsura niya sa asawang si Neri Naig-Miranda

John Lloyd Cruz ipinagdiwang ang kaarawaan ng kanyang ama, ipinaranas kay Elias ang simpleng pamumuhay