in

Kris Aquino pinakiusapan ang kanyang mga supporters na ‘wag munang gumamit ng red heart emojis

Mukhang ayaw muna ng red hearts emoji ngayon ng Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa Instagram post ni Kris 2 days ago, nagbigay siyang muli ng update tungkol sa kanyang kalusugan. Ibinahagi ng tv host actress na paalis na sila patungong ibang bansa in less than two weeks.

Ang caption nga ni Kris sa video post niya habang kinukunan ng blood sample ay, “You’ve all been part of my road to better health journey… ayokong may itago sa inyo… BECAUSE i’m very GRATEFUL for all your prayers…”

Sa comment section naman ng kanyang post ay isa sa marami niyang followers ang humiling para sa agaran niyang pag-galing.

“We continue to pray for your healing and recovery the soonest! Thank you for keeping us updated on your health!” komento ng follower na may kalakip na tatlong red heart emoji.

Nag-reply naman si Kris dito, at humiling na sana ay yellow heart or pink heart emojis muna ang gamitin imbes na pula.

“Request can you use yellow hearts?” saad ni Kris. “I’m sure gets nyo na why huwag muna red,” dagdag pa nito na hindi ipinaliwanag ang dahilan.

Kung pagbabasehan sa usaping puIitika, red ang kulay ng presidential aspirant na si Ferdinand Marcos Jr, habang ang dilaw naman ay matagal nang trademark ng mga Aquino.

Isang OFW bumyahe ng malayo, hindi napigilang maging emosyonal ng makita si Lyca Gairanod sa Dubai

Bagong post ni Carla Abellana tungkol sa pag-aalaga sa kanya ng mga kasambahay naging palaisipan na naman sa mga netizens