in

Kris Aquino naging emosyonal sa pagbabalik sa Tarlac ng panganay na anak na si Josh

Hindi napigilan ni Kris Aquino ang kanyang emosyon dahil sa muling pamamaalam ng panganay na anak na si Josh.

Ito ay nang ibahagi niya na mas pinili na talaga ng kanyang anak ang manirahan sa Tarlac.

Sa Inastagram post ni Kris nitong Huwebes, May 27, ibinahagi niya ang larawan nilang mag-iina.

Makikita ang higpit ng yakap ni Kris at bunsong anak na si Bimby sa kanilang Kuya Josh.

“Namili na si Kuya Josh, gusto na nya talagang tumira sa Alto (our family compound) in what he calls ‘Lola’s house,’” panimula ni Kris sa kanyang caption.

Pagpapatuloy pa niya, “The 3 of us said our goodbyes yesterday afternoon… Pabalik na kami ni Bimb to our serviced residence while the condo we’ll be leasing is being readied”

Ibinahagi din ni Kris na mamimigay siya ng 800 grocery bags para ipagdiwang ang nalalapit na kaarawan ni Josh.

Ikinwento din ni Kris sa kanyang caption na matagal tagal din na nagkaroon ng tampuhan ang kanyang mga anak.

“We are not a perfect family, nagka mahabang tampuhan yung 2 boys BUT nakuha talaga sa dasal, pasensya, at pagmamahal- finally kahapon naramdaman kong nabalik na yung dating higpit ng yakapan at kulitan/lambingan nung dalawa,” saad nito.

Sinabi din ni Kris na pinili niyang lumayo sa limelight upang maprotektahan ang kanyang mga anak

Na tampulan ng mga bashers, “I can share that story because it’s about my sons & me… my family is not just limited to my 2 boys, alam nyo how important my sisters & brother are to me, BUT they value their privacy and i totally respect that i can share my life but not our lives.”

Ipinaliwanag din niya na ang pagbabahagi niya tungkol sa kanyang pamilya ay walang kinalaman sa pulitika.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Dalawang Philippine Science High School students, pinag-aagawan ng iba’t-ibang international university

Jerome Ponce isinapubliko na ang relasyon kay Sachzna Laparan ng batiin ang huli sa kanyang kaarawan