in

Kris Aquino inamin na si Willie Revillame ang gusto ng mga anak niya para sa kanya

Nagbalik telebisyon na ang Queen Of All Media na si, Kris Aquino, after almost 5 years of showbiz hiatus.

Napanood na ngang muli sa TV screen si Kris Aquino.

Ito ay ng maging co-host siya ni Willie Revillame sa isang TV special ng pino-promote nilang shopping app.

Si Willie mismo ang nag-introduce kay Kris sa pagpasok nito sa stage.

Saad ni Willie, “Just like to thank GMA management, Atty. Gozon, Ms. Anette, everyone in GMA. Siyempre ho. Matagal ko na po siya gustong i-guest pero pinayagan din po siya dahil of coruse, Shopee, eh.

“John Lloyd and then Kris Aquino. Sino’ng susunod? Malalaman niyong lahat ‘yan.

“Ito na po. The Queen of All Media, the one and only, Kris Aquino!!!”

Habang nakangiting umentrada si Kris ay biglang lumabas naman ang pagka-taklesa nito na tatak na niya noon pa man.

 “Thank you, Wilie. I don’t think you just miss me. I think you love me,” pambungad ni Kris.

Pinasalamatan din niya ang GMA, mga mahal niya sa buhay at kanyang mga supporters.

“Magandang-magandang umaga po sa inyong lahat at maraming, maraming salamat po sa GMA for allowing me to be here this morning. And of course, to my Shopee family, I love you.

“And alam kong nanonood sa’kin ngayon all my sisters. Hello to all of you. And of course, my two sons. Hi to Kuya Josh in Tarlac and kay Bimb na nasa BGC. I love you, honey,” saad ni Kris.

Kalaunan ay may pahaging pa itong si Kris kay Willie,

“May girlfriend ka na or hinihintay mo ‘ko? Kanina nirereto niya sa’kin eh. Dapat daw si Secretary. Ganung tipo raw dapat ang maging boyfriend ko. Hindi politiko, masipag.

“Bakit mo ko nirereto sa iba? Eh alam naman nating lahat ‘di ba? Ikaw ang gusto ng mga anak ko.”

Mag-asawang sina Makisig Morales at Nicole Joson ibinida ang pambansang kasuotan ng Pilipinas

Ellen Adarna magdedemanda dahil sa paglabag sa health protocols ng mga nakatrabaho