in

Kris Aquino ibinunyag na 2Million pesos ang ibinigay ni Angel Locsin para sa mga naapektuhan ni Odette

Real-life ‘DARNA’ strikes again!

Muling umani ng mga papuri mula sa publiko ang Kapamilya actress na si Angel Locsin. Sa pakikiisa niya sa relief drive para sa mga naapektuhan ng typh00n Odette na nanaIasa sa Visayas at Mindanao.

Dahil sa nasabing ba6y0, marami sa nasabing lugar ang nawalan ng mga tirahan. Nangangailan rin sila ng pagkain at tubig.

At bilang kilala sa laging nangunguna sa pagtuI0ng tuwing may mga s4kuna ay muling ipinamalas ni Angel Locsin ang kabutihan ng kanyang puso.

Nagtungo ang aktres sa isang volunteer center ni VP Leni Robredo at Sen. Francis “Kiko” Pangilinan upang doon ipadaan ang personal niyang tuIong para sa mga pamilyang nasaIanta ng ba6y0.

Ayon kay Angel, nakita raw niya online ang isang artcard na isang panawagan para sa mga donasyon sa mga naapektuhan ni Odette kaya agad raw siyang nagtungo sa Leni-Kiko volunteer center para personal na maipaabot ang kanyang tulong.

Walang nakaka-alam kung magkano ang amount na ibinigay ni Angel. Ngunit sa isang video ay inilahad ni Kris Aquino na 2Million pesos ang ibinigay ng aktres.

“Nagbigay po si Angel Locsin ng 2M pesos kay VP Leni para po pantulong para po sa lahat ng nasaIanta,” saad ni Kris.

Samantala, sa kanyang IG post ay nanawagan din si Angel upang makakalap pa ng mas maraming donasyon para maipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Gerald Anderson personal na iniabot sa PCG ang kanyang donasyon para sa mga naapektuhan ni Odette

Sa tulong ni Rabiya Mateo, Zeinab Harake 200 thousand pesos ang naipamigay sa maswerte niyang avid fan