in

Kris Aquino goodbye muna sa social media, pinaghahandaan ang bagong treatment na susubukan

Nagpaalam muna sa social media si Kris Aquino upang mapaghandaan niya ang mga bagong tuklas na treatment para sa kanya.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, ibinahagi ng Queen of All Media na kailangan muna niyang magpahinga. Ito ay dahil pinaghahandaan niya ang aniya’y r1sky treatment na gagawin sa kanya.

Kaya naman nag-goodbye muna siya sa kanyang mga followers sa social media pansamantala.

Ani Kris, “Off line po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko.

“1st d0se ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na magaalaga sa kin.

“The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. i have faith in God’s plan and His timing.”

Pagpapauna na ni Kris, hindi pa sigurado na magagamot siya at tanging ang Diyos lang ang nakakaalam.

“Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Syang pangunahan. i continue praying for the Faith to continue Hoping that i’ll get healthy enough for those who still need and Love me.”

Taimtim na panalangin naman ang handog ng kanyang mga followers para sa ikabubuti ng kalagayan ni Kris.

Angelina Jolie, usap-usapan ngayon online matapos magtrending ang larawan na nasa Tiange.

Napakaraming gold bars na pagmamay-ari ni Chavit Singson ipinasilip nito sa kanyang mga bisita