in

Korina Sanchez isa-isang sinagot ang mga komento ng netizen sa ibinahagi niyang litrato ni Manny Pacquiao

May kasagutan si Korina Sanchez sa mga netizen na bumatikos sa kanyang post tungkol kay Manny Pacquiao.

Nakaraan nga lamang ay nag-viral ang mga litrato ng Pambansang Kamao habang kumakain ito ng naka-kamay.

Ang nasabing larawan ay ipinost ng broadcaster at TV Host na si Korina Sanchez sa kanyang Instagram account.

Saad ni Korina sa kanyang caprtion, “Ang sabi ni Sen. Manny Pacquiao: basta. Mas masarap kumain nang naka kamay. PS: Naubos ang dalawang takal ng kanin and fish. Naiwan ang chicken. FYI.”

Alam naman ng karamihan na mula sa hirap si Pacquiao, ngunit may mga netizens parin ang hindi napigilan na kwestiyonin ang nasabing litrato lalo na’t isa sa mga posibleng kandidato ang pambansang kamao sa 2022.

Sari-sari ang naging reaksyon ng netizens hinggil dito. May mga pumuri kay Manny subalit marami ring nagsabing ito ay maagang pag-eendorso at pamumulitika.

Kaya naman nagbigay ng kanyang oras at panahon ang broadcaster na sagutin ang ilang komento ng netizens ukol sa kanyang post.

“Bumenta na yann!” komento ng isang netizen.“Anong binebenta?” Sagot naman ni Korina.

Sabi naman ng isa “Hindi nayan oobra, luma naya, wala ng iba?

Buwelta naman ni Korina, “Nagkakamay lang sa kain. Ang haba na ng nilakad ng kuwento mo beh”

Sabi naman ng isang netizen, masarap talagang kumain nang nakakamay pero lumang style na ito lalo na kapag nalalapit ang eleksyon/

Paglilinaw ni Korina, hindi alam ng mambabatas na kinukunan niya ito ng litrato.

Aniya, “Di naman nya alam na kinukunan ko sya kaya totoo naman na ganyan ang kain nya sa bahay.”

Marami din namang pumuri sa senador at sinang-ayunan ang post ng host ng Rated K.

Ikaw anong masasabi mo rito?

Issa Prank! Couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad balik YouTube na ulit?

Ayon kay Lolit Solis, LJ Reyes swerte dahil pang New York ang eksena, Yen Santos pang Baguio lang